Paninindigan ng Malakaniyang ang posisyong ang hindi guilty ang Duterte Administration sa Extra Judicial Killings.
Sa gitna na rin ito ng maraming napapatay na drug suspects sa serye nang inilunsad na one time big time drug operations ng mga otoridad sa Bulacan, lungsod ng Maynila at Caloocan nuong nakalipas na linggo.
Iginiit ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi inisyatibo at lalong hindi hinihikayat ng administrasyon ang pang aabuso at extra judicial killing dahil nais ng Pangulong Rodrigo Duterte ay masunod ang protocol, arestuhin ang drug suspects, dalhin sa presinto at idemanda.
Sinabi ni Panelo na kapag nanlaban ang mga sangkot sa iligal na droga pagkakataon na ito para idepensa ng mga otoridad ang kanilang sarili.
Sa kaso ni Kian Loyd Delos Santos ipinabatid ni Panelo na hindi na mahalaga sa kaniya kung drug courier ito dahil kung babarilin ng walang laban ay dapat talagang maimbestigahan at bahala na ang mga ebidensya na pagpasyahan ng hukuman.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
SMW: RPE