Naniniwala ang Malacañang na pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang Chinese telecommunications company na mag-operate sa Pilipinas dahil may sapat itong pondo at teknolohiya upang mag-produce ng maayos at malakas na internet connection.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala namang duda na ang Pacific Light Cable Network ng China ang pinakamalaki sa mundo dahil sa dami ng subscribers nito.
Posibleng ikinukunsidera din aniya ng Pangulo sa pagpili sa Tsina ang malaking maitutulong nito sa ekonomiya ng bansa kasunod nang patuloy na pagbuti ng ugnayan ng Pilipinas at Chinese Government.
—-