Nilinaw ng Malacañang na hindi Anti-Catholic si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na marahil ay nasagad na ang pasensiya ng Presidente sa patuloy na pagkuwestiyon sa kanyang anti-drug campaign at ang paggigiit ng mga alagad ng simbahan na extra judicial killings ang mga napapatay sa operasyon kontra illegal na droga.
Ipinabatid ni Abella na nag-ugat ang matatapang na banat ng Pangulo sa mga pari at simbahan nang batikusin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani ang Philippine National Police noong Enero 18 at tawaging ” bringer of death” ang anti-drug campaign ng gobyerno.
Bukod dito, kinuwestiyon din umano ni Bacani ang kakayahan at kung anong uri ng mga pulis sa ngayon dahil sa kawalan ng kakayahang hulihin ang mga pumatay sa may 4000 biktima umano sa police operations.
By: Mheann Tanbio / Aileen Taliping