Nilinaw ng Malacañang na hindi lahat ng tatlong daang milyong Euros na tulong pinansyal mula sa European Union (EU) ay tatanggihan ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang mga hindi lang tatanggapin ng pamahalaan ay yuong mga panibagong alok na maaring gamitin para makapahimasok sa panloob na usapin ng bansa.
Hindi din aniya kabilang sa pinuputol ng pamahalaan, ang diplomatic ties nito, dahilan kung bakit itinalaga si dating Sen. Edgardo Angara bilang special envoy.
Binigyang diin ni Abella na ang ayaw lamang ng Pangulong Rodrigo Duterte ay ang pinagmumukhang pulubi ang Pilipinas.
By Katrina Valle|(With Report from Aileen Taliping)
Malacañang nilinaw na hindi lahat ng €300-M tulong pinansyal ng EU ay tatanggihan was last modified: May 18th, 2017 by DWIZ 882