Nilinaw ng Malakaniyang na hindi papapel ang Estados Unidos sa mga nangyayaring airstrike ng pamahalaan sa Marawi City.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi napag-usapan sa naging pulong nila Pangulong rodrigo Duterte at U.S. Secretary of State Rex Tillerson ang posibilidad ng pagtulong ng Amerika sa Nagpapatuloy na bakbakan.
Itinanggi rin ni Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo ang nasabing ulat at sinabing walang ganitong agenda sa naging pag-uusap ng pangulo at ni Tillerson.
Tumanggi ring magbigay ng detalye si Pangulong Duterte hinggil sa mga napag-usapan nila ni Tillerson ngunit sinabi lamang nito na umikot sa mga usaping diplomatiko ang kanilang pag-uusap.