Nilinaw ng Malacañang na walang anumang intensyong magdeklara ng batas militar ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng mga pangamba na baka magkaroon ng Martial Law dahil sa mga pagsabog sa Leyte at North Cotabato.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Ernesto Abella na hindi isinasaalang-alang sa ngayon ang mga naturang pagsabog bilang basehan para magdeklara ang Pangulo ng Martial Law.
Nilinaw rin ni Abella na hindi ibig sabihin na may nilulutong scenario na maaaring makapagbigay-katwiran sa Martial Law.
By: Avee Devierte