Patuloy ang pakiusap ng Palasyo sa ilan pang senior citizens na magpabakuna na kontra COVID-19.
Kasunod na rin ito nang naitalang 6.6% COVID-19 positivity rate at mga kaso ng omicron variant ng Pilipinas.
Sinabi ni acting presidential spokesman Karlo Nograles na nasa 1.5 million pa lamang na senior citizens ang hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccine.
Kaya naman aniyang mabakunahan ang mas marami pang senior citizens partikular sa mga ospital sa bansa lalo na’t tumataas ang kaso ng Omicron variant sa bansa.