Pinag-iingat ng palasyo ang publiko sa mga kumakalat na peke at maling impormasyon na layon lamang siraan ang booster shot campaign ng pamahalaan.
Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, ginagamit ng mga nagpapakalat ng maling impormasyon ang isang lumang video clip kung saan sinabi ni pangulong Rodrigo Duterte na tama na ang pagpapaturok ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Paglilinaw ni Nograles, noon pang September 30, 2021 ang video clip kung saan hinihimok ng punong ehekutibo ang publiko na magpabakuna upang tumaas pa ang bilang ng mga fully vaccinated individuals habang hinihintay na magkaroon ng approval ang booster shot.
Naaprubahan naman aniya ng mga health expert ang booster shots noong November 2021 nang magkaroon ng sapat na supply ng bakuna ang bansa at marami na ang fully vaccinated laban sa COVID-19.