Pinapayagan ng pamahalaan ang limitadong religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 3 sa Metro Manila.
Ito’y kasunod ng desisyon ng National Task Force na ipagbawal ang in person religious gatherings para sa Pista ng itim na Nazareno.
Bago ang naturang desisyon ay nanawagan na si Pangulong Rodrigo Duterte na isuspinde ang in person gathering na may kinalaman sa Traslacion 2022.
Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, 30% lamang na kapasidad ang papayagan sa loob ng simbahan at kailangan fully vaccinated kontra COVID-19.
Dagdag ni nograles, sa ilalim ng alert level 3 , ito ang susundin kahit na sinuspindi ang relious gathering sa black nazarene feast.
Sa ngayon, nasa 50M indibidwal na ang fully vaccinated laban sa COVID-19.