Inatasan ng palasyo ang Food and Drug Administration o FDA para sawatahin ang iligal na distribusyon ng anti-parasitic drug na Ivermectin.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi basta-basta matutukoy ng pulis kung anong mga gamot ang hindi dapat nasa merkado.
Kaya naman aniya para matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang anomang kumplikasyon, mas makabubuti kung ang fda mismo ang mangunguna sa operasyong ito.
Ani Roque dapat na matigil ang bentahan ng Ivermectin na ginagamit ng mga vet kung saan inire-repack ang mga ito para magmukhang ligtas na ikonsumo ng tao.
Kasabay nito, nagpaalala si Roque sa publiko na mabuting sumangguni muna sa mga medical practitioner bago uminom ng mga gamot o supplements.