Pinayuhan ng Malacañang si incoming President-elect Rodrigo Duterte na ayusin ang pakikitungo sa media.
Kasunod ito ng pahayag ni Duterte na hindi niya kailangan ng media at wala siyang pakialam kung i-boykot man siya ng mga mamamahayag na sumusubaybay sa kaniya dahil sa mga pahayag niya laban sa mga media.
Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, may personal na estilo sa pakikitungo sa media ang bawat Pangulo.
Nguniy sinabi ni Coloma na dahil sa mahalagang papel ng mass media sa paghahatid ng impormasyon sa madla, mainam na maging maayos ang pakikipag-ugnayan ng Pangulo sa mga miyembro ng press.
Una nang hinamon ng grupong Reporters Without Borders ang mga nagko-cover kay Duterte na i-boykot ang mga press briefing nito dahil sa negatibo nitong pahayag sa media killings at corruption sa bansa.
By: Avee Devierte