Nababahala si Vice President Leni Robredo sa panawagan ng ilang taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ito ng isang revolutionary government
Sa kaniyang pagdalo sa ika-154 na kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio kahapon, sinabi ni VP Leni na tila ninanais na ng ilan na isantabi ang saligang batas na maituturing na pag-aalsa na rin sa pamahalaan
Magugunitang ilang militante ang nagpahayag na rin ng kanilang pagtutol sa isinusulong na rebolusyonaryong pamahalaan ng ilang mga anila’y nagpapanggap na mga rebolusyonaryo subalit ang totoo ay may interest na itinatago
Kasabay nito, kinalma ng Malakaniyang ang pangamba ng Pangalawang Pangulo at iginiit na walang dahilan para ideklara iyon ng Pangulo dahil maayos pa naman ang sitwasyon ng bansa sa kasalukuyan
Subalit hindi itinatanggi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pagdideklara ng Revgov ang huling alas ng oposisyon para ibato laban sa Pangulo kaya’t mainam aniyang huwag nang sumakay sa usapin at sa halip ay humanap na lamang ng iba.