Saludo ang Malakanyang sa ipinamalas na kabayanihan ng mga pulis at sundalo na napatay matapos makipagsagupa sa Abu Sayyaf group sa Inabanga, Bohol.
Tiniyak ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ibibigay ng pamahalaan ang lahat ng kinakailangang ayuda ng pamilya ng mga nasawing pulis at sundalo.
Matatandaang nilusob kahapon ng Abu Sayyaf Group ang isang resort sa bayan ng Inabanga, subalit dahil sa mabilis na pagresponde ng militar at pulis ay napatay ang kanilang sub-commander na si Muammar Askali, alyas “Abu Rami”.
Sa naturang bakbakan, limang miyembro ng Abu Sayyaf, isang pulis at tatlong sundalo ang nasawi.
By: Meann Tanbio