Nagkomento ang isang senior official ng Malakanyang sa pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na inciting to sedition ang panawagan kahapon ni Senador Leila De Lima sa publiko na samahan siyang manindigan laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na tinawag niyang murderer at sociopathic serial killer.
Sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na kung ang pag-uudyok ay may kaakibat na pakikibaka laban sa pamahalaan, ito ang dapat na tutukan ng gobyerno.
Idinagdag pa ni Guevarra na kung ang panawagan ni De Lima na samahan siya na ihayag ang sentimyento laban sa pamahalaan, maituturing itong freedom of expression at freedom of assembly.
Matatandaang si De Lima ay nahaharap sa tatlong kasong kriminal sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
By Jaymark Dagala |With Report from Aileen Taliping