Tiniyak ng Malakanyang na agad isasailalim sa rehabilitasyon ang mga paaralang nawasak sa pananalasa ng bagyong Nina sa Bicol Region at ilan pang lugar.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa pagpasok ng 2017, agad na ilalarga ang pagkumpuni sa mga nasirang paaralan dahil bagong budget na ang gagamitin ng pamahalaan.
Aminado ang Pangulo na hindi siya makakilos ngayon para mai-rehabilitate ang mga nawasak na kabahayan at istraktura dahil sinimot ng nakalipas na administrasyon ang pondo ng gobyerno.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping