Tiniyak ng Malakanyang sa publiko na hindi magdedeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Metro Manila matapos ang insidente sa Resorts World Manila na ikinasawi ng 38 katao.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, isolated case ang nangyari sa Resorts World at hindi ito pasok sa rebelyon o pananakop na maaaring maging grounds para maideklara ang batas militar na ipinahihintulot ng saligang batas.
Una nang iginiit ng Philippine National Police na hindi maiuugnay sa terorismo ang nangyari lalot wala namang anilang mga palatandaan o element para matawag itong terorismo.
By: Meann Tanbio / Raplh Obina