Tiniyak ng Malakanyang na hindi mababaon sa utang ang Pilipinas sa gitna ng isinusulong na “build build build project” ng Duterte Administration.
Sa harap na rin ito ng pangambang malubog sa utang ang bansa sa oras na ilarga na ang mga major infrastructure project ng administrasyon.
Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, sa katunayan ay kikita pa ang gobyerno sa mga ipapatayong proyekto.
Bagaman kukunin ang ibang gastusin sa pamamagitan ng loan kung saan 80 percent ay manggagaling sa local at 20 percent ay mula sa foreign debt, tiyak anyang mababawi ito ng sobra pa, pabor sa pamahalaan.
Sa sandaling matapos ang mga infrastructure project, sinabi ni Lopez na maaari nila itong ibenta sa pribadong sektor ng may sapat na interes at kikita pa ang gobyerno mula sa mapagbebentahan.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping