Inihayag ng Palasyo na nananatiling kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao.
Ito’y ayon sa palasyo makaraang kwestyunin ng Senador ang ipinatawag na pagpupulong ng kanilang partido na PDP-laban sa Cebu na nananawagan sa pangulo na tumakbo bilang Vice President ng bansa sa susunod na eleksyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson, malinaw ito na nanatiling Presidente ng partido ang Senador.
Mababatid na una rito ay humiling ng pulong ang kampo ng Senador sa Pangulo para ayusin agenda ng legitimate national council meeting bago pa man sumapit ang pag-fa-file ng Certificate Of Candidacy (COCs).
Pero tugon ng Palasyo dito, ay wala pa ring iskedyul sa naturang usapin.