Tiniyak ng Malakanyang na mahuhuli ng pwersa ng pamahalaan si Isnilon Hapilon ang lider umano ng ISIS sa Southeast Asia.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella kasunod ng mga ulat na nakalabas na umano sa Marawi si Hapilon at namataan sa Basilan.
Ayon kay Abella, bineberipika na ng militar ang impormasyong ito.
Pero sakali anyang itoy totoo, ibig sabihin, inabanduna na ni Hapilon ang mga tauhan nito sa nalalalapit na huling bugso ng labanan sa Marawi.
Gayunman kung pagbabatayan anya ang mga pagtataya ng Armed Forces, nasa loob pa rin ng Marawi si Hapilon.
Bukod kay Hapilon, tumatayo ring lider ng Maute-ISIS ang Maute Brothers na sina Omar at Abdullah na sinasabing nasa loob pa rin ng Marawi.
By: Jonathan Andal
SMW: RPE