Tiniyak ng Malakanyang na walang mangyayari ngayong taas presyo sa karne ng manok
Ito’y sa harap ng pagdedeklara ng gobyerno ng bird flu outbreak sa Pampanga
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakamonitor sila sa presyuhan ng mga poultry products sa merkado maging sa kalidad ng mga ito.
Binabantayan din anya nilang maigi ngayon ang mga negosyanteng posibleng manamantala sa sitwasyon.
Bagamat iisang lugar lamang anya sa bansa ang apektado ng bird flu, hinikayat pa rin ng Malakanyang ang publiko na siguruhing hindi kontaminado ang mga karne ng manok na nasa mga palengke at iba pang pamilihan.
Naniniwala ang Malakanyang na mabilis ang naging aksyon ng Department of Agriculture para i-isolate at i-contain ang bird flu virus.