Iginagalang ng Malacañang ang naging pasya ng Office of the Solicitor General o OSG na huwag isumite sa Korte Suprema ang mga hinihingi nitong dokumento.
Ito’y kaugnay sa talaan ng halos 4,000 drug suspects na napatay ng pulisya sa kanilang lehitimong mga operasyon sa ilalim ng war on drugs ng pamahalaan.
Magugunitang iginiit ni Solicitor General Jose Calida sa kaniyang inihaing motion for reconsideration o MR na hindi nila mapagbibigyan ang kahilingan ng mga mahistrado.
Ayon kay Calida, naglalaman ang nasabing talaan ng mga sensitibong impormasyon na posible aniyang makaapekto sa pambansang seguridad.
Sa panig naman ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque tiwala silang makakaya ni Calida na idepensa sa mga mahistrado ng High Tribunal ang isyu.
—-