Tiwala ang Malacañang na mas mapabibilis na ang muling pagbuhay sa Death Penalty at pag-amyenda sa saligang-batas matapos maihalal ang mga bagong lider ng Senado at Kamara.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na napapanahon at makabuluhan ang paghirang kina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez na kapwa taga-Mindanao.
Sinabi ni Andanar na inaasahan nila ang aktibong kooperasyon sa pagitan ng ehekutibo at lehislatibo at mapabilis ang pag-aksyon sa mga panukalang batas na nais maipatupad para sa mga Pilipino.
Kabilang sa mga nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na iprayoridad ng Kongreso ay ang pagpapanumbalik sa Death Penalty sa pamamagitan ng pagbigti at pag-amyenda sa Konstitusyon para maisulong ang Federalismo sa buong bansa.
By Meann Tanbio