Umaasa ang Malacañang na mas dadami pa ang mga eskwelahang lalahok sa Face-to-Face classes o magbubukas sa gitna ng Alert level 2.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, mayroong mga pribado at pampublikong eskwelahan sa ilang mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 2 ang maari nang magsagawa ng Face-to-Face classes base narin sa inaprubahan ng Department of Health (DOH).
Matatandaang pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawak ng physical classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1 at 2. —sa panulat ni Angelica Doctolero