Umalma ang Malacañangsa hinala ng pamilya Halili na may kamay ang gobyerno sa pagpaslang kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili na una nang isinangkot sa operasyon ng illegal drugs.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang basehan ang nasabing hinala lalo na at patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa tunay na motibo sa nasabing krimen.
Ayon kay Roque lumulutang ang iba’t ibang posibleng motibo sa pagpaslang kay Halili na bukod sa illegal drug trade ay posibleng may kinalaman din ang krimen sa pulitika at negosyo.
“Apparently iba’t ibang aspeto ngayon ang lumalabas sa pagpatay kay [Mayor] Halili at mayroong aspeto na it was borne out of the drug trade. Although mayroon pang dalawang anggulo- pulitika at negosyo.”
“It’s part of law enforcement. These are individuals whom law enforcement officers must closely monitor. If there’s sufficient evidence, they should be charged. If there’s no sufficient evidence, then it should lead to case build-up.” Pahayag ni Roque
—-