Umapela ang Malacañang sa US government na imbestigahan at panagutin ang salarin sa pagpaslang sa isang Pinay nurse sa New York City, kamakailan.
Binigyang diin ni Presidential Spokesman Harry Roque, na lahat ng biktima ng human rights violation ay dapat lamang na mabigyan ng agarang hustisya.
Kinilala ang biktima na si Maria Ambrocio, 58-anyos, isang nurse sa Bayonne, New Jersey.
Naiulat na naglalakad noon si Ambrocio kasama ang kaibigan nito nang atakihin siya ng isang palaboy sa may Times Square, New York.—sa panulat ni Hya Ludivico