Umapela ang Malakanyang sa publiko na manatiling mahinahon subalit maging mapanuri sa gitna ng bird flu o Avian Influenza outbreak sa San Luis, Pampanga.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat magtungo sa pinaka-malapit na health center o ospital at sumailalim sa laboratory test ang sinumang residente sa mga apektadong lugar kung na-expose sa patay na manok at tinamaan ng sakit tulad ng trangkaso o kahalintulad nito.
Pinaigting na anya ang surveillance sa loob ng 7-kilometer radius ng mga apektadong manukan at poultry farms sa San Luis.
Sa ngayon ay wala pang naitatala ang Department of Health na nagkaroon ng bird-to-human contamination.