Tuluyan nang ibinasura ng Senate Local Government Committee ang Malacañang draft ng BBL o Bangsamoro Basic Law.
Ang hakbang ay ginawa ni Committee Chairman Ferdinand Bongbong Marcos sa kaniyang privilege speech subalit nilinaw na mayroon siyang binubuong bersyon ng BBL na sa tingin niya ay makakabuti sa lahat.
Tahasang inihayag ni Marcos na masalimuot ang nilalaman ng Malacañang version na kahit anong retoke ay hindi makakabuti sa lahat dahil sa mga problema sa Saligang Batas.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)