Wala pang dahilan na nakikita ang National Government para isailalim sa Alert Level 2 ang ilang lalawigan sa Pilipinas.
Ito ay ayon kay Interior Secretary Eduardo Año na dapat makipag-usap muna aniya sila sa IATF bago itaas ang alert level status sa ilang lugar sa bansa kabilang na ang metro manila na nasa Alert Level 1 hanggang sa Hunyo 15.
Dagdag ni Año na ang metrics para pumunta sa Alert Level 2 ay binabase sa bilang ng mga kaso at hospitalization rate ng bansa.
Samantala, nakapagtala ang bansa ng 257 na panibagong kaso ng COVID-19 kung saan nasa 3,130 na ang active tally mula sa 3, 097.