Masyado pang maaga para magsalita ang Malacañang kung bibigyan ng pardon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Mary Jane Veloso pagdating sa bansa.
Ito ang tugon ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasunod ng inaasahang pagdating sa Pilipinas sa miyerkoles ni Veloso mula sa Indonesia matapos mapiit dahil sa kasong illegal na droga.
Ayon kay Bersamin, hindi pa masabi kung ano ang mangyayari pagdating ni Veloso dahil prayoridad ni PBBM ay mapauwi ito ng walang anumang aberya o pagkaantala.
Matatandaang sumulat ang pamilya ni Veloso kay Pangulong Marcos Jr. Noong nakalipas na linggo at hiniling na mabigyan ito ng executive clemency.