Wala pang nakikitang pangangailangan ang Malakanyang na ipatawag ang Chinese Ambassador to the Philippines para pagpaliwanagin sa ulat na naglagay ng mga missile ang China sa West Philippines Sea.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasabay ng pagtitiyak na tinututukan administrasyong Duterte ang nasabing usapin.
Bagaman nauna ng kinumpirma ng Tsina na nag-deploy sila ng mga long range missile sa Spratly Islands, nilinaw ni Roque na bineberipika pa nila ang ulat at hindi pa anya nila nakikitang banta sa Pilipinas ang nasabing hakbang ng China.