Kumbinsido si Senador JV Ejercito na walang kinalaman ang Malacañang sa nangyaring rigodon sa liderato ng Senado kahapon.
Binigyang-diin sa DWIZ ni Ejercito na kailangan nang ma-define ang linyahan sa pagitan ng mayorya at minorya.
Idinagdag pa ni Ejercito na sa tuwing magkakaroon ng botohan sa isang usapin ay hindi nagpa-participate ang mayorya partikular ang mga miyembro ng Liberal Party (LP).
Pamumunuan na ni Ejercito ang Committee on Health na dating hinawakan ni Senador Risa Hontiveros.
“Tuwing magkakaroon ng botohan on issues laging hindi namin kasama yung ilang mga kasama natin sa majority, in this case yung mga taga-Liberal Party, ang usapan kasi noon they will be joining noong bago pa yung administration ni President Duterte, they will be part of the supermajority with the understanding na they will be cooperative and supportive of the legislative agenda of the administration, mukhang lately mukhang lalong umiinit.” Pahayag ni Ejercito
By Meann Tanbio | Karambola (Interview)