Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na wala umanong nakikitang mali ang malacanang sa matatanggap na christmas bonus ng mga bakunadong empleyado sa Cebu City.
Ayon kay Roque, hindi mandato sa batas ang pamamahagi ng mga employer ng christmas bonus sa kanilang mga empleyado dahil ang tanging nakasaad lamang sa batas ay ang pagbibigay ng 13th at 14th month pay para sa mga government employees.
Dagdag pa ng Kalihim na nasa kumpaniya na ang desisyon kung makakatanggap o mabibigyan umano ng christmas bonus ang kanilang mga empleyado o hindi.
Nilinaw naman ni Roque na ang pamamahagi ng christmas bonus sa Cebu City ay isang paraan upang mapataas ang bilang ng mga bakunado sa naturang lalawigan.—sa panulat ni Angelica Doctolero