Iniimbestigahan na ng Land Transporation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang nangyaring aksidente sa pagitan ng isang jeepney at ng Partas bus sa Agoo, La Union kaninang madaling araw.
Ayon kay LTFRB Board Member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang Regional Office 2 para silipin ang prangkisa ng jeepney kung ito ba’y pribado o ginagamit pampasada.
Posible naman aniyang maharap sa kanselasyon ng kanilang prangkisa ang Partas kung mapatutunayang ito ang may pananagutan sa nangyaring trahedya.
Magugunitang umakyat na sa dalawampu (20) ang nasawi na karamihan ay pasahero ng jeepney habang nasa labing walo (18) naman ang nasugatan sa nangyaring aksidente.
—-