Tinawag na “cold-blooded murder” ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang pagpatay sa Canadian hostage na si John Ridsdel.
Pinugutan ng Abu Sayyaf si Ridsdel na isang dating mining executive.
Ito ang kinumpirma ng Canadian government official.
Ang pahayag ni Trudeau sa pagpatay kay Ridsdel ay inilabas sa sidelines ng cabinet retreat ng Punong Ministro sa Alberta.
Matatandaang sa pahayag ng Philippine Army, isang pugot na ulo ang natagpuan sa isang isla sa bayan ng Jolo kahapon Lunes, 5 oras matapos mag-expire ang deadline para sa ransom na hinihingi ng Abu Sayyaf na nagbantang pupugutan ang 1 sa 4 na bihag.
Bahagi ng pahayag ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau
AFP
Kinumpirma ng militar ang pagpugot ng Abu Sayyaf sa Canadian national na kabilang sa 4 na dinukot nila sa Samal Island.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brigaider General Restituto Padilla, nakikisimpatya sila at nakikiramay sa pamilya ni John Ridsdel.
Tiniyak ni Padilla na hindi sila titigil sa pagsasagawa ng mahigpit na military at law enforcement operations para mapulbos nang tuluyan ang mga bandido.
Sinabi ni Padilla na buong pwuersa na ng gobyerno ang ginagamit para mapanagot sa insidente ang Abu Sayyaf.
Malacañang
Nakikiramay ang Palasyo ng Malacañang sa pamahalaan ng Canada, sa pagkamatay ni John Ridsdel, ang 68 taong gulang na bihag ng Abu Sayyaf.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Sonny Coloma, inutusan na ng Pangulong Benigno Aquino III ang mga awtoridad na gawin ang lahat upang mapanagot ang mga bandido na namugot sa dayuhang bihag.
Siniguro din ni Coloma na hindi palalampasin ng pamahalaan ang pamumugot at tiyak na hindi tatantanan ng joint task group ng PNP at AFP ang pagtugis sa Abu Sayyaf para ma-neutralize na ang mga ito.
By Mariboy Ysibido | Judith Larino | Jonathan Andal (Patrol 31)