Wala nang saysay para sa Malakaniyang para ipursige pa ang imbestigasyon ng Senado hinggil sa di umano’y tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Davao City Mayor Sarah Duterte – Carpio.
Ito ang reaksyon ng Palasyo sa pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV na humihimok kay Senador Chiz Escudero, Chairman ng Senate Committee on Banks and Financial Institutions na tingnan ang busisiin ang alegasyon ng tagong yaman ng mag-amang Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala siyang alam kung ano pang ebidensya ang nais iharap ni Trillanes sa naturang pagdinig gayung mismong ang Ombudsman ay hindi nakapaglabas ng patunay hinggil dito.
Paalala pa ni Roque kay Trillanes, nagawa na nuon ng Ombudsman na ibuyangyang sa publiko ang mga bank accounts ni yumaong Chief Justice Renato Corona at hindi aniya imposibleng magawa ito kay Pangulong Rodrigo Duterte na isa ring impeachable official.
Posted by: Robert Eugenio