Ipinaliwanag ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pagtanggal ni Pangulong Bongbong Marcos kay Vice President Sara Duterte bilang kasapi ng National Security Council.
Ayon kay Sec. Bersamin, ang nasabing kautusan ay bahagi ng pagsusumikap ng administrasyon upang mas epektibong matugunan ang mga pansiguridad na hamon ng bansa.
Dagdag pa ng kalihim, ang executive order no. 81 ay naglalaman ng mga hakbangin upang mas mapadali ang pagtatalaga ng kasapi ng NSC.
Bukod dito, sinabi ni Sec. Bersamin sa ngayon ay hindi kinukonsiderang relevant si VP Sara sa mga tungkulin bilang miyembro ng NSC.
Gayunman, iginiit ng kalihim na maaari namang magdagdag ng miyembro at adviser ang pangulo sa nasabing konseho kung kinakailangan.