Tumangging magkomento ang Malakaniyang hinggil sa inihaing petisyon ni Atty. Oliver Lozano sa Korte Suprema para ipawalang bisa ang pagkakatalaga kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mas makabubuting hintayin na muna ang magiging pasya ng mga mahistrado hinggil sa usapin.
Magugunitang nakapaloob sa Quo Warranto petition na inihain ni Lozano ang pagkuwesyon sa batayang ligal at karapatan ni Sereno para maluklok bilang punong mahistrado.
Una rito, iginiit ni Lozano na layon ng inihain niyang petisyon na iligtas ang hudikatura mula sa kahihiyan at pagkakawatak-watak ngayong nahaharap muli ito sa matinding hamon kasunod ng impeachment trial na naka-amba laban sa punong mahistrado.
Jaymark Dagala / Jopel Pelenio / RPE