Iwas pusoy ang Malakaniyang kaugnay sa kontrobersyal na sex video umano ni Senadora Leila de Lima
Ito’y makaraang ihayag mismo ni Senate President Koko Pimentel na wala naman talagang sex video ang Senadora taliwas sa pinalutang ng Pangulong Duterte
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, huwag nang palakihin pa ang usapin at hayaan na lamang ang mga lumalabas na opinyon o komento hinggil dito
Gayunman, hindi masabi ni Abella kung nabigyan ng maling impormasyon ang Pangulo dahil sa ito aniya mismo ang nagbunyag hinggil sa nasabing video
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping