Handa ang Office of the Solicitor General na idepensa si Pangulong Rodrigo Duterte at 11 pang opisyal ng pamahalaan.
Ito’y makaraang ipagharap ng kasong crimes against humanity sa ICC o International Criminal Court ng abogado ni Edgar Matobato na si Atty. Jude Sabio ang mga nabanggit na opisyal.
Ayon kay Solicitor General Jose Calida, kasado na ang ilalatag nilang depensa bagama’t aminado siyang hindi pa nila natatanggap ang kopya ng reklamo.
Sakaling umusad na ang kaso, sinabi ni Calida na ipararaan sa DFA o Department of Foreign Affairs ang pagsagot dito.
Una nang tiniyak ng Malakaniyang na hindi uusad ang inihaing kaso laban sa Pangulo dahil walang batayan at pawang propaganda lamang iyon.
By: Jaymark Dagala