Tiniyak ng Malakaniyang na hindi sila makikielam sa desisyon ng korte na buhayin ang kaso ng Mamasapano trial sa Sandiganbayan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hahayaan lamang ng Palasyo na gawin ng korte suprema ang trabaho nito.
Tiniyak ni Panelo na umiiral sa kasalukuyang administrasyon ang rule of law at hindi makikialam sa kahit ano pamang political at social stature ng sinumang nasasakdal sa alinmang korte.
Kasabay nito umaasa ang palasyo na tatalima naman si Aquino sa itinakda ng batas.
Batay sa naging desisyon ng Supreme Court, tinanggal na nito ang TRO para sa Mamasapano trial kung saan kinasuhan ng graft at usurpation of authority si dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa pagkamatay ng 44 na commandos ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindano noong January 2015.