Hinikayat ng Malakaniyang ang publiko partikular ang mga mayroong dadalhing kaanak sa ospital na dumulog muna sa One Hospital Command Center.
Ito’y dahil sa napupuno nang mga ospital dahilan para mahirapan ang iba pang COVID-19 patient na maghanap ng ospital na matatakbuhan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malaki ang maitutulong ng pagtawag sa One Hospital Command Center dahil sila ang magsasabi kung saan pang ospital mayroong bakante at pwede nilang pagtakbuhan.
Una rito, inihayag ng Malakaniyang na pinaplano na ang pakikipag-ugnayan sa mga telecom companies para sa dagdag na linya para sa one hospital command upang mas maraming tawag na ma-accommodate.