May dahilan na para magdiwang ang mga kritiko ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) dahil unti-unti nang nababawasan ang nag-o-operate nito sa bansa.
Iyan ang inihayag ng Malakaniyang bagama’t mariin nitong itinanggi na mayroong nangyayaring exodus ng POGO bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Harry Roque, malinaw naman ang panuntunan ng Department of Finance (DOF) sa pagbabalik ng POGO.
Katunayan aniya, 20 lamang mula sa kabuuang 60 POGO ang nakasunod sa rekesitos ng DOF na magbayad ng kaukulang buwis sa Pilipinas.
Gayunman, ang mga umalis nang POGO sa bansa aniya ay bukod sa hindi na nagbabayad ng buwis ay hinihinalang nagpopondo sa mga demonstrador sa China laban sa kanilang sariling gobyerno.