Tinawag ng Malakaniyang na pantasya lamang ng mga kritiko ni Pangulong RODRIGO duterte ang ulat na na-mild stroke umano ang punong ehekutibo.
Kasunod ito ng inilathalang artikulo ni dating Senador Francisco Kit Tatad na nagsasabing ito ang dahilan kaya’t isinugod ang Pangulo sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, gumagawa lamang ng pantasya si Tatad dahil hindi naman totoo ang mga sinasabi nito gayundin ang umano’y pagkakaruon ng full cabinet meeting para talakayin ang kalusugan ng Pangulo.
Mismong si Pangulong Duterte ang nagsabing nagpahinga lamang siya ng ilang araw kaya’t hindi siya nasilayan ng publiko sa loob ng limang araw makaraang hindi ito makadalo sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan nuong Hunyo 12.
By: Jaymark Dagala