Nananatiling tahimik ang Malakaniyang sa mungkahi ng United Filipino Nurses na i-lift o tanggalin na ang deployment ban sa mga nurse patungo sa ibayong dagat.
Ayon kay treatment czar at health Usec. Leopoldo Vega, inuuna muna kasi nilang pagtuunan ng pansin ang deployment o pagkuha ng mga nurse para ipadala sa mga probinsyang may mataas na kaso ng COVID-19 cases.
Ayon naman kay Presidential Spokesman Harry Roque, halos 11,000 medical personnel ang naipadala na ng DOH sa iba’t-ibang high risk COVID-19 areas.
Nais kasi ng pamahalaan na maagapan ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng malakas na testing at isolation centers kung saan, mabilis na natutugunan ang pangangailangan ng mga pasyente.