Patuloy na tinututukan ng Malakaniyang ang mga pinakahuling sitwasyon sa nangyaring sunog sa Grenfell Tower sa London.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, on top ang gubyerno sa pagbabantay at handa rin ito na magpaabot ng tulong sa mga Pilipinong nabiktima ruon.
Kasunod nito, nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo sa mga nabiktima ng sunog makaraang kumpirmahin sa kanila ng embahada ng Pilipinas sa London na may ilang Pinoy na nakasama sa mga sugatan.
Batay sa pinakahuling tala, nasa 17 na ang nasawi habang nasa 65 ang nasagip at inaasahan pa itong tataas sa paglipas ng mga araw.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping