Magpapatupad ng sampung araw na tigil putukan ang pamahalaan laban sa mga komunista ngayong panahon ng kapaskuhan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, epektibo ang SOCO o Suspension of Combat Operations sa araw ng linggo, Disyembre 24 at inaasahang magtatagal ito hanggang Enero 2 ng bagong taon 2018.
Binigyang diin ni Roque na combat operations lamang ang suspendido subalit hindi ang military operations dahil sa pangambang sumalakay pa rin ang mga npa kahit na may umiiral na ceasefire.
Kasunod nito, sinabi ni Roque na umaasa ang Pangulo na tatalima rin ang mga komunista sa ginawa niyang hakbang at magpapatupad din ng kahalintulad na kautusan sa ngalan ng pagkakaisa at paghahangad ng kapayapaan.