Nilinaw ng Malakaniyang na hindi lahat ng barangay officials ay bibigyan ng armas ni Pangulong Rodrigo Duterte para makatulong sa kriminalidad at iligal na droga sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dadaan muna sa pagsusuri ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang mga opisyal ng barangay upang malaman kung karapat-dapat ba itong makatanggap ng armas.
Sinabi ni Roque na hindi bibigyan ng armas ang mga opisyal na mayroong bad record lalong lalo na ang mga kasama sa Narcolist.
Gayunman, sinabi ni Roque na hindi pa pinal ang naturang desisyon ng Pangulo at kasalukuyan pa itong pinag-aaralang mabuti.