Pinawi ng Malacañang ang pagkabahala ng publiko sa pagtaas ng inflation rate sa buwan ng Hunyo.
Batay kasi sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, naitala noong Hunyo ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa loob ng limang taon.
Pumalo ito sa 5.2 percent na inflation sa buwan ng Hunyo na mas mataas kumpara sa 4. 6 na inflation noong Mayo.
Ngunit ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi dahilan ito para mag-panic ang publiko dahil may umiikot na pera galing sa buwis at economic activity kaya’t bumibilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Nandyan din umano ang Build, Build, Build program ng pamahalaan upang mapaunlad ang mga sektor ng imprastraktura sa bansa.
Taong 2011 nang huling umabot sa 5.2 percent ang inflation rate ng Pilipinas.
—-