Tiwala ang Malakaniyang na magiging epektibong drug czar si Vice President Leni Robredo.
Kasunod na rin ito nang pagtalaga ng pangulo kay Robredo bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bright naman si Robredo kaya’t bahala na ito kung paano didiskartehan ang kampanya kontra iligal na droga at ipinauubaya na rin sa bise presidente kung itutuloy pa ba o hindi ang ‘Oplan Tokhang’.
Maaari aniyang may ibang strategy o paraan si Robredo sa pagsugpo sa nasabing problema.
Dahil cabinet rank ang pagiging drug czar ni Robredo, sinabi ni Panelo na welcome na itong dumalo sa cabinet meeting bukas, November 7.
Kasabay nito, binigyang diin ni Panelo na ang nasabing appointment ay pagkakataon na ni Robredo para umakyat sa presidency lalo na kung magiging tagumpay aniya ang pagiging anti-drug czar nito.
Magugunitang si Robredo ay nagsilbi na ring housing chief ng administrasyon sa loob ng limang buwan bago kumalas noong 2016 nang pagbawalan ng pangulo na dumalo sa cabinet meetings.