Nagpasalamat ang pamunuan ng INC o Iglesia Ni Cristo kay Pangulong Rodrigo Duterte makaraang italaga nito ang kanilang tagapamahalang pangkalahatan na si Eduardo “Ka Eddie” Manalo bilang Special Envoy for OFW Concerns.
Ayon kay INC Spokesman Bro. Edwil Zabala, makaaasa aniya ang buong bansa sa kanilang pakikiisa kay Ka Eddie para tulungan ang mga kababayang nasa ibang bansa para sa kanilang kapakanan.
Nuon pa man aniya, tumutulong na si Ka Eddie sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat kaya’t inilunsad nila ang programang kabayan ko, kapatid na nagbibigay pag-asa sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat.
Samantala, itinanggi naman ng Malakaniyang na isang uri ng pagbabayad utang ni Pangulong Duterte ang pagtatalaga kay Ka Eddie sa naturang posisyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala silang nakikitang paglabag sa Separation of Church and State sa naging hakbang na ito ng Pangulo at iginiit ang malaking ambag nito sa bansa.
Posted by: Robert Eugenio